gellieprieto:

:”>

Oo, panget talaga ilong ko.

(c) Gewgle

#love  #migelitot  

gellieprieto:

Have shared a picture from #Fotolr#

gellieprieto:

Have shared a picture from #Fotolr#

gellieprieto:

So alam niyo na kung sino mas lalake saming dalawa?

gellieprieto:

Have shared a picture from #Fotolr#

migelitot:

Hi! Kung nabasa mo ito ibig sabihin nanguya mo na yung Ruffles at Maltesers. Tataba ka sakin seryoso, lagot ka. Hahaha. Gusto ko lang malaman mo na miss na kita. Thank you pala kanina at thank you sa napakasarap na breakfast na inihanda mo sakin :”>

Magbehave ka nga, akin ka lang eh. Bawal ka na maagaw pa kasi akin ka lang eh (redundant mo ha?). Ok na ok na tayo diba? Approval nalang ng kuya mo ang kailangan ko kasi legal naman na tayo sa mga magulang natin at alam naman nila na seryoso tayo sa isa’t-isa.

Pwede ba umayos-ayos ka kapag nag college ka na? Bawal mag cutting, uminom at gumala. Piliin mo ng mabuti mga kaibigan mo ha? Kapag kailangan mo ng tulong sa assigment o project… Gamitin ang google ha? Lagi mong tatandaan na andito naman ako palagi kapag kailangan mo ng payo o kailangan mo ng kausap (Pangit naman kasi kung kakausapin mo yung sarili mo baka magmukha kang buang.)

Mahal na mahal kita gellieprieto. Hindi ko nalilimutan ang bawat araw na dumaan simula nung nakilala kita :)

gellieprieto:

TC with baby <3

migelitot:

Belated 6th month baby! 

Ayun nabura ko yung ginawa ko kahapon kaya gumawa ulit ako ng isa pa para sayo. Nakalimutan ko na mga sinabi ko dun ah. Ah oo nga pala. I love you! Happy 6th monthsary!

Biruin mo kalahating taon na tayo, nagsimula tayo sa MoA meet-up. Dun tayo nagkita tapos nagbonding, hindi ka maalis sa isip ko kasi wagas ka kung makatawa, grabehan ika nga. Nagulat pa ako kasi naka-sundo mo agad yung mga deputa na taga south (Kilala niyo na kung sino kayo. Labyu ajejejej). After nun nagkayayaan tayo, nag hang out sa SM, nag basketball (Hanggang ngayon hindi ako manalo-nalo sayo), kumain sa Pizza Hut (Dixon for the win!) at sinamahan pa ako magpagupit. Sunod-sunod na yun after nun, niligawan na kita, first kiss ko sayo at kung anu-ano pa.

Super thankful ako kasi nakilala kita sa buhay ko, super thankful ako kasi sumama ako sa MoA meet-up kasi dun nagsimula ang lahat. Super thankful ako sa lahat ng ginagawa mo para sakin, malabo ko ma-tapatan yung mga binibigay mo sakin at yung pagmamahal mo para sa akin alam ko yun kaya ginagawa ko lahat ng makakaya ko para masuklian yung mga bagay na yun kahit papaano.

Mahal na mahal kita at alam mo yun diba? Marami na tayo napagdaanan kung tutuusin, legal na tayo sa mga magulang natin. Marami na din tayong na-engkwentro na trials. Marami naring ups and downs and relasyon natin. Alam ko na ngayon hindi na tayo tulad ng dati, alam ko ngayon nawawala na unti-unti yung pagmamahal mo sakin. Handa ko parin naman ikaw ligawan kung maghiwalay man tayo, pero ayoko mangyari yun syempre. Ikaw yan eh. Ikaw yung sabaw na nakilala ko na wagas kung makatawa na gagawin ang lahat masigurado lang na okay ka. Yung pupuntahan ka kapag down ka at laging andyan kapag kailangan mo ng karamay. Yung pwede mong masandalan at maiyakan at yung pwede mong yakapin kapag nahihirapan ka na. Mahirap na humanap ng tulad mo baby. Ayoko na palitan ka pa. Nakakapagod na kaya maghanap ng iba tapos back to start nanaman.

Gusto ko malaman mo na kahit anong mangyari ikaw parin yung bestfriend ko. Kahit hindi man tayo ang magkatuluyan eh gusto ko malaman mo na hanggang sa mamatay ako ay ikaw parin yung bestfriend ko. Ikaw parin yung tatakbuhan ko o tatawagin ko kapag may problema ako.

Lagi mo lang tatandaan na andito ako para sayo, kapag may kailangan ka sabihin mo lang sakin kasi sisikapin ko na makamit yun para sayo. Sisikapin ko rin na maging yung lalaki na kailangan mo sa buhay mo. Sisikapin kong gawin lahat ng paraan para lang makita ko mga ngiti mo.

Mahal na mahal kita Ma Angelica Concepcion Prieto. Ikaw lang :)

gellieprieto:

I really hate this guy pag sobrang hyper niya, sobrang kulit, sobrang ingay, ang random nga mga sinasabi niya at pag sumusweldo puro pagkain ang dala sa bahay at todo shopping basta sobrang gastos niya at naasar lang ako pag ganun siya. Pero kahit ganyan yan mahal na mahal ko yan, sabi nga niya “Mali pala na naspoil kita, ang kulit mo eh!” KASALANAN MO YAN! HAHAHAHA! I really miss you, minsan na lang tayo magsama dahil may work ka na pero okay lang pag weekends gumagawa ka ng paraan para magkita tayo pero ang kulit mo pa din talaga. Di kita makausap ng matino minsan, pero pag ako naman ang hyper naiinis ka din. ANG GULO NOH?! EWAN KO SAYO BABY. Ayun lang naman, miss kita eh. <3 I love you because YOLO! Happy monthsary! 6 months YOOOLOOOOO!

#migelitot  #love  

migelitot:

Namimiss ko hawakan yung mga kamay mo, namimiss ko halikan yung mga labi mo, namimiss ko ikaw yakapin, namimiss ko halikan yung noo mo, namimiss ko yung mga harutan natin. Lahat namimiss ko.

Ewan ko ba. Parang ang senti ng mga ganitong oras. Mga ganitong oras na feel na feel mo ang pag e-emote habang tahimik ang iyong paligid at ang tanging tunog na naririnig mo ay ang tunog na mula sa pagpindot mo ng mga letra sa keyboard mo. Hindi ko rin naman alam kung bakit na sa ikli ng panahon na magkakilala at magkasama tayo eh parang masyado na akong attached sayo.

Hindi ko rin malaman kung bakit na sa bawat minuto na kasama kita eh hindi ko makita-kita yung sarili ko na nakasimangot. Lagi akong masaya kapag kasama kita, nakakalimutan ko ang lahat ng problema ko. Para bang motivated ako gawin ang mga bagay na kinatatamaran ko gawin kapag ikaw ang iniisip ko. Masyado ngang makapangyarihan siguro ang PAG-IBIG. Kung tutuusin hindi naman kasi ako ganito eh, hindi naman ako mahilig gumawa ng letter, hindi din naman ako yung tipo ng lalaki na laging sweet *kung tutuusin ayoko nga nung ganun. ewan. Ayoko ng cheesy ako eh. Pero parang nabago mo. hahaha*

Eh basta ang alam ko ikaw lang ang nasa puso at isip ko. Ikaw lang ang tanging babae na mahal ko besides my mom. Ikaw lang ang gusto ko makasama lagi, ikaw lang ang gusto kong pasayahin, ikaw lang ang gusto ko makasama :)

(via gellieprieto)